Digital transformation, inihahanda ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Puspusang inihahanda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang digital transformation para sa banking sector. Ito ang inihayag ni BSP Governor Nestor Espenilla, Jr. sa kaniyang talumpati sa 2018 National Convention of the Chamber of Thrift Banks sa Lungsod ng Maynila. Sinabi ni Espenilla, na mahalaga ang paggamit ng teknolohiya kasabay ng financial innovations. Kaugnay […]

Continue Reading

Pansamantalang paglaya, hiniling ni dating senador  Bong Revilla

Muling humirit o humiling sa Korte Suprema si dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.na pansamantala muna siyang palayin habang dinidinig sa Sandiganbayan ang kanyang kasong plunder. Ito ay sa pamamagitan ng urgent motion na inihain ng abogado ni Revilla at hiniling na pagkalooban siya ng provisional liberty hanggang sa madesisyunan ang kanyang main petition sa […]

Continue Reading

DFA, nagsalita hinggil sa ipinadalang notice of withdrawal sa UN

Ang naging desisyon ng Pilipinas na kumalas sa korte ay isang prinsipyo laban sa mga namumulitika at nanggagamit sa isyu  ng karapatang pantao. Ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasunod ng kasalukuyang pagpoproseso ng Pilipinas sa pagkalas mula sa International Criminal Court o ICC. Pormal na ring ipinadala ang notice of withdrawal […]

Continue Reading

Kampo ni Congressman Floirendo, tinawag na abuse of power ang arrest order sa kanya ng Sandiganbayan

Ulat ni MJ Mondejar Naniniwala si Davao del Norte Representative Antonio “Tony Boy” Floirendo, Jr., na hindi lamang pulitika kundi balot ng personal na interes ang nasa likod ng pagpapa-aresto sa kanya ng Sandiganbayan matapos itong sampahan ng kasong katiwalian ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Ayon kay Floirendo, maituturing na “abuse of power” ang arrest order […]

Continue Reading

Donald Trump Jr., bumisita sa India upang magbenta ng mga apartment

Sa Amerika… Bumisita ang anak ni Pangulong Donald Trump na si Donald Trump, Jr., sa New Delhi, India. Ito ay upang maibenta ang mga marangyang Trump-branded apartments sa labas ng Indian capital. Paulit-ulit na inilalabas ang patalastas ng pagbisita ni Donald Trump, Jr., sa halos lahat ng mga pangunahing pahayagan ng Amerika. Ayon sa patalastas […]

Continue Reading

Pagbuo ng sariling command force sa Bangsamoro Region, hindi na kailangan

Iginiit ng Department of National Defense (DND) na hindi na kailangan ang pagbuo ng sariling command unit sa ilalim ng Bangsamoro Region. Ito ang binigyang linaw ni Defense Undersecretary Ricardo David, Jr., sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Kamara sa pagbuo ng Bangsamoro Region. Ayon kay David, sapat na ang pwersa ng pamahalaan sa Mindanao para […]

Continue Reading

Gabriela pinag-aaralan ang pagsasampa ng ethics complaints laban kay Alvarez

Inihahanda na ng Gabriela Party-list ang pagsasampa ng ethics complaints laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Ito ay matapos aminin ni Alvarez na mayroon siyang girlfriend sa kabila na kasal siya sa kanyang asawa. Magugunitang ginawa ni Alvarez ang pag-amin kasunod ng gusot nila ni Davao del Norte Representative Antonio Floirendo, Jr. Ayon sa Gabriela, […]

Continue Reading

UN umapelang huwag ituloy ang pagpapababa sa edad ng mga kriminal

Sumulat ang United Nations (UN) upang hikayatin ang mga mambabatas na huwag nang ituloy ang planong pagpapababa sa edad ng mga kriminal. Nakasaad sa kanilang sulat kay Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez, Jr. na dapat pagtuunan na lamang ng mga mambabatas ang pag-i-improve ng implementasyon ng Juvenile Justice and Welfare […]

Continue Reading

Speaker Alvarez handang lisanin ang posisyon sa Kamara

“Go ahead, make my day!” Ito ang tila paghahamon pa ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos niyang sampahan at paimbestigahan sa Office of the Ombudsman si Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo, Jr. Ayon kay Alvarez, handa niyang iwan ang kanyang posisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Giit ni Alvarez, wala naman daw siyang ambisyon […]

Continue Reading