España Blvd sa Maynila binulabog ng bomb scare

Binulabog ng bomb scare ang bahagi ng España Boulevard sa Maynila matapos matagpuan ang isang kahina-hinalang bag na pinaghihinalaang may lamang bomba. Sinasabing isang lalaking nakabisikleta ang nag-iwan ng camouflage na bag na nakapatong sa upuan sa waiting shed na malapit sa Miguelin Street. Agad namang rumesponde ang explosive ordinance team ng Manila Police District […]

Continue Reading

Traffic enforcers, mga pulis magbabantay sa pasukan

Magtatalaga ng nasa mahigit dalawang libong traffic enforcers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng paaralan sa pagsisimula ng pasukan sa Lunes, Hunyo 5. Sa isinagawang inter-agency command conference para sa “Oplan Balik-Eskwela 2017” ng Department of Education (DepEd), aabot sa 2,296 traffic enforcers ang itatalaga para sa anti-jaywalking, anti-smoking at sidewalk clearing. […]

Continue Reading

MMDA nagsagawa ng clearing ops sa NIA Road

Muling nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa NIA Road sa Quezon City. Katuwang ng MMDA ang Philippine Air Force (PAF) sa pagsasaayos ng bangketa sa lugar. Pinagbabaklas din ng clearing team ang mga bahagi ng bahay at tindahang nakausli sa bangketa. Inalis din ang ilang sasakyan na iligal na nakaparada […]

Continue Reading

Shabu lab sa QC sinalakay ng PDEA at QCPD

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang abandonadong drug laboratory sa Quirino Highway, Barangay Baesa, Quezon City. Narekober sa lugar ang mga sangkap sa paggawa ng shabu at mga makinang may kakayahang makagawa ng dalawandaang kilo ng shabu kada-ikot. Ayon kay QCPD Director Chief […]

Continue Reading

Pulis patay matapos tambangan sa Tondo

Napag-alamang sangkot sa iligal na mga aktibidad ang tinambangang pulis sa Tondo, Maynila. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, matagal na umanong AWOL sa serbisyo si Police Officer Frederick Tolentino. May kinahaharap din aniyang kaso ang pulis kaugnay ng kidnap-for-ransom sa isang Korean national. Madaling-araw nang pagbabarilin ang pulis sa loob ng kanyang sasakyan […]

Continue Reading

4 na katao arestado sa buy-bust ops sa QC

Timbog ang apat na katao kabilang ang isang menor-de-edad sa buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP)-District Enforcement Unit sa Apartelle Saciba, Quezon City. Nakuha sa target na si Jalil Lutao alyas “Mata” ang ilang gramo ng shabu at P6,600 marked money. Arestado rin ang kinakasama nito na napag-alamang menor-de-edad at dalawa pa nilang kasabwat […]

Continue Reading

MMDA hinikayat ang publiko na isumbong ang drivers na lumalabag sa Anti-Distracted Act

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tsuper ng mga pampubliko o maging pampribadong sasakyang lumalabag sa bagong Anti-Distracted Driving Act (ADDA). Sinabi ni MMDa Supervising Officer Bong Nebrija na bukod sa panghuhuli ng kanilang mga tauhan ‘on-the-ground,’ ipinatutupad din ng MMDA ang ‘non-contact apprehension’ para […]

Continue Reading