Notice of Termination ng peace talks, wala pa ayon sa chief negotiator

Wala pang formal notice of termination ng peace talks na ibinibigay si Pangulong Rodrigo Duterte sa National Democratic Front (NDF). Ito ang ilinaw ngayon ni Government Chief Negotiator, Labor Sec. Silvestre Bello III. Una nang sinabi ni Pangulong Duterte ng makailang beses na ayaw na niyang makipag-usap pa sa mga komunista at nagsabing ituloy na […]

Continue Reading

Malakanyang tiniyak ang proteksiyon kay Aquino kasunod ng inilabas na arrest warrant ng NDF

Tiniyak ng Malakanyang ang proteksiyon para kay dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang personalidad. Ito ay matapos ipag-utos ng National Democratic Front (NDF) sa Southern Mindanao na dakpin si Aquino dahil umano sa crimes against humanity at iba pang paglabag sa international human rights law sa nangyaring Kidapawan massacre. Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto […]

Continue Reading

Revolutionary tax collection hindi ititigil ng CPP-NPA-NDF

Walang balak ang National Democratic Front (NDF) na itigil ang pangongolekta ng revolutionary taxes sa mga mamamayan. Ito ang pahayag ni NDF Peace Negotiator Rey Casambre sa kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang koleksiyon ng revolutionary taxes. Sinabi ni Casambre na ang mga kondisyong itinakda ni Duterte sa pagbabalik ng […]

Continue Reading

Higit 300 katao, lumikas sa Agusan del Norte sa patuloy na bakbakan ng militar at NPA

Higit tatlundaang indibidwal ang lumikas sa Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte dahil sa patuloy na bakbakan ng puwersa ng militar at mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa ulat na inilabas ng 29th Infantry Matatag Battalion ng 401st Infantry Brigade, tatlong beses umanong umatake ang mga rebeldeng NPA. Pinakahuli rito ang pag-atake sa tropa […]

Continue Reading

NDF consultants, nais muling ipakulong ni SolGen Calida

Binigyang-diin ni Solicitor General Jose Calida na kailangan ay muling makulong ang consultants ng National Democratic Front(NDF). Ito ay matapos pansamantalang pinalaya ng pamahalaan ang mga ito upang makadalo sa isinagawang peace talk sa Oslo, Norway. Sinabi ni Calida na kailangag makulong muli ang consultants matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiation sa […]

Continue Reading

NPA hindi pa magsasagawa ng operasyon vs militar

Iginiit ng New People’s Army na hindi pa sila magsasagawa ng operasyon laban sa mga tropa ng pamahalaan. Ayon sa tagapagsalita ng NPA Batangas na si Apolinario Matienza, kasalukuyan ay nasa active defense mode sila at magsisimula lamang magsagawa ng operasyon ‘pag lagpas ng Pebrero a-dyis. Idineklara ng NPA ang pagbawi sa kanilang ceasefire na […]

Continue Reading

Bayan Muna pinarerekonsidera kay Duterte ang desisyong kanselahin ang usapang pangkapayapaan

Muling pinarerekonsidera ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang usapang pangkapayapaan sa mga makakaliwa. Dagdag pa ni Zarate, dapat ay ituloy ang usapang pangkapayapaan kahit walang nakakasang ceasefire sa pagitan ng National Democratic Front (NDF) at ng gobyerno. Aniya, may pag-asa pa na maisaayos ang Comprehensive Agreement […]

Continue Reading

AFP, PNP nasa heightened alert status dahil sa posibleng pag-atake ng NPA

Nasa heightened alert status ngayon ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP) dahil sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa mga kampo ng militar at PNP. Ito ay matapos suspindihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire at ang pagkansela sa government peace talks sa National Democratic Front (NDF). Inatasan […]

Continue Reading

Peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF pinatitigil na ni Pangulong Duterte

Pinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng Gobyerno at National Democratic Front of the Philippines. Inanunsiyo ito ng Pangulo, isang araw matapos bawiin ng Gobyerno ang tigil-putukan laban sa mga rebeldeng komunista. Una nang binawi ng CPP-NPA ang sarili nilang ceasefire pero sa Pebrero 10 pa ito magiging epektibo. Giit ng NPA, dumedepensa lamang sila sa opensiba ng […]

Continue Reading