suspendido

Ilang lugar sa bansa, suspendido ang pasok sa mga eskwelahan

SUSPENDIDO pa rin ngayong araw Agosto 9, ang pasok sa mga eskwelahan sa ilang bahagi ng bansa. Ito ay dahil pa rin sa masamang panahon na dulot ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Hanna na ngayon ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility. Kabilang sa mga walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko […]

Continue Reading
Pasig City

Pasig City at Pateros, nagsanib-puwersa sa paglilinis sa kalsada

NAGSANIB-pwersa na ang mga alkalde ng Pasig City at Pateros sa paglilinis sa mga kalsada sa kanilang mga nasasakupan. Pinangunahan mismo nina Pasig Mayor Vico Sotto at Pateros Mayor Miguel Ponce kasama sina MMDA Chairman Danny Lim at General Manager Jojo Garcia ang clearing operation sa dalawang lungsod. Kabilang sa giniba ang barangay security post sa Barangay […]

Continue Reading
close road

Ilang bahagi ng kalsada sa Pasig City, isasara ngayong araw

ISASARA sa mga motorista ang ilang bahagi ng kalsada sa lungsod ng Pasig ngayong araw. bunsod ito ng gagawing parade o morocade ng mga kandidata ng Ms. Earth. Sa abiso ng Traffic and Parking Management Office ng Pasig City, simula mamayang alas 3:00 ng hapon ay sarado ang Plaza Rizal Intersection; Caruncho avenue (harap ng […]

Continue Reading
Meralco

Meralco, magpapatupad ng rotational brownout sa Metro Manila at Luzon

MAGPAPATUPAD ng rotational brownout ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga isasagawang pagkumpuni. Ayon sa Meralco, isasagawa ang maintenance works simula nga­yong Lunes, Hulyo 22 hanggang sa Linggo, Hulyo 28. Kabilang sa mga apektadong lugar Las Piñas City, Makati City, Pasay City, lungsod ng Maynila, Pasig City, Quezon City, […]

Continue Reading

Pagpapatupad ng freedom of information sa Pasig City, pormal ng inilunsad

PORMAL nang inilunsad ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ugnayan sa Pasig bilang hakbang sa pagpapatupad ng freedom of information sa lungsod. Layon ng programa na mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa publiko at iba pang mga proyekto at transaksyon sa nasabing lungsod. Ayon naman kay Winnie Rayos-Dimanlig, public information officer – freedom of […]

Continue Reading

Pasig City Mayor Vico Sotto, nanawagan ng pakikiisa sa mga Eusebio

PAKIKI-isa ang panawagan ngayon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kampo sa mga Eusebio para sa pag-unlad ng lungsod ng Pasig. Sa kanyang oath taking ceremony, sinabi ni Sotto dapat nang kalimutan ang mga pangyayari sa panahon ng kampanya at eleksyon. Matatandaan na naghain ng electoral protest si dating Pasig City Mayor Bobby Eusebio […]

Continue Reading
Iligal na

Iligal na pagpasok ng Chinese worker sa bansa, iimbestigahan

SISIMULAN na ng Senado sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa pagpasok ng mga iligal na Chinese worker sa bansa. Kasunod ito ng pagkaaresto ng 11 Pinoy at 93 Chinese sa Pasig City. Dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal online gambling. Kailangang pag-aralan ang mga batas, implementasyon at koordinasyon ng mga ahensya sa pag-regulate ng […]

Continue Reading
"Sonshine Sugod Barangay"

“Sonshine Sugod Barangay,” muling aarangkada sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City

MGA taga-Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City at mga karating lugar humanda na sa pagsugod namin ngayong darating na Sabado Nobyembre 24. Ang “Sonshine Sugod Barangay” ay magdadala ng serbisyo at kasiyahan diyan sa Brgy Pinagbuhatan Covered Court. Ito ay sa lungsod ng Pasig, buong araw, sa darating na Sabado. Umaga pa lang sa Sabado hahataw […]

Continue Reading

Isa sa biktima ng sumabog na gasolinahan, pumanaw na

Pumanaw na ang isa sa mga biktima ng nasunog at sumabog na LPG refilling station sa Pasig City. Kinumpirma ni Senior Superitendent Anthony Arroyo, hepe ng investigation unit ng Pasig Fire Department, na hindi na kinaya pa ng biktima na si William Khey, 39 taong gulang, ang matinding sunog na tinamo nito sa halos lahat […]

Continue Reading

Isang gas station sa San Miguel sa Pasig City, nasunog

Nasunog ang isang gas station sa Sandoval Avenue sa Barangay San Miguel sa Pasig City. Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa Omni Gas Station. Mabilis namang kumalat ang apoy at nadamay ang katabing gas station na Flying V. Itinaas naman hanggang sa ikalimang alarma ang sunog. Lima katao rin ang naitalang sugatan dahil […]

Continue Reading