DOT excited sa underwater resort themed park na itatayo sa Palawan

Excited na raw ang Department of Tourism (DOT) sa underwater resort themed park na planong itayo ng kumpanyang Nickelodeon sa Coron, Palawan. Sa isang pahayag, sinabi ni DOT Secretary Wanda Teo na makapanghihikayat pa ng local at foreign tourists ang itatayong coral world park sa Coron. Pero pagdating aniya sa pag-aruba sa nasabing proyekto ay […]

Continue Reading

18 katao na may apelyidong Maute cleared na sa NBI

Na-clear na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labingwalo katao na una nang pinaghinalaang tagasuporta ng ISIS-inspired na Maute group. Nagtungo sa NBI nitong Miyerkules ang 18 katao na pawang may mga apelyidong Maute at Bandrang para linisin ang kanilang mga sarili sa anumang kaugnayan sa teroristang grupo. Ayon sa abugadong si Dalomilang Parahiman […]

Continue Reading

Pagsasagawa ng airstrikes at pambobomba laban sa Maute dapat ikonsidera

Hinimok ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na muling ikonsidera ang pagsasagawa ng airstrikes at pambobomba sa Marawi City. Ito ay upang maiwasan na umano ang nangyaring ‘misfire’ na ikinasawi ng labing-isang sundalo. Iginiit ng kongresista na maliban sa posibilidad na magkaroong muli ng ‘friendly casualties,’ pinsala […]

Continue Reading

Maute terror group nakakuha umano ng foreign fund mula sa ME

Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na ilang milyong dolyar na foreign funding ang nakuha ng ISIS-linked na Maute teror group. Ayon kay Lorenzana, partikular umano na nakatanggap mula sa Middle East (ME) si Isnilon Hapilon na ‘anointed’ bilang ‘emir’ ng ISIS sa Marawi City. Ang nasabing pondo ay ginagamit umano […]

Continue Reading

1 sa walong pugante ng Basilan jailbreak naaresto sa Zamboanga City

Naaresto ng pulisya sa Barangay Tatlo-Talon Zamboanga City ang isang puganteng kabilang sa walong presong nakatakas sa nangyaring jailbreak sa Lalawigan ng Basilan noong taong 2014. Kinilala ni Chief Insp. Arlan Delumpines, hepe ng Zamboanga City Police Station 5,  ang nahuling pugante na si Oliver Tinguha Alyas Jomar dela Cruz dalawampu’t tatlong taong gulang. Inaresto […]

Continue Reading

Balik-eskwela sa 8 barangay sa Lanao del Sur, Iligan atrasado

Dalawang linggong ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase sa walong barangay sa Lanao del Sur at Iligan City. Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, base ito sa rekomendasyon ng mga awtoridad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Apat na barangay sa Lanao del Sur at apat sa Iligan City ang hindi makasasabay […]

Continue Reading

8 hinihinalang ISIS members patay sa Marawi clash

Ibinunyag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang nasyonalidad ng mga dayuhang napatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City. Ani Lorenzana, nasa walong dayuhan ang napatay sa nasabing bakbakan. Dalawa sa mga ito ay taga-Saudi Arabia, dalawa pa ay taga-Malaysia, dalawa rin ay taga-Indonesia, isang taga-Yemen at isang taga-Chechen. Naniniwala si […]

Continue Reading

AFP bumuo ng board of inquiry sa pumalyang airstrike sa Marawi

Bumuo na ng board of inquiry ang militar para malaman kung ano ang nangyari sa pagkamatay ng nasa sampung sundalo sa airstrike ng gobyerno sa Marawi City. Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na tinitingnan nila ang posibleng equipment failure o human error sa nangyari. […]

Continue Reading

400 miyembro ng Phl Marines idineploy sa Mindanao

Nagpadala ng karagdagang puwersa ang Philippine Marines sa Mindanao para pulbusin ang Maute group.       Ayon kay Brigadier General Alvin Parreño, ang 7th Marine Battalion na binubuo ng apatnaraang sundalo ang ikatlong batalyong idineploy sa Marawi City. Bago i-deploy sa Marawi City, sumailalim pa ang mga sundalo sa anim na buwang retraining sa Ternate, Cavite.  Sa […]

Continue Reading