2 domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang dalawang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa sama ng panahon. Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang Flight 5J 373 at 374 na Manila-Roxas-Manila ng Cebu Pacific. Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket.

Continue Reading