Tatlong libong pisong entrance fee sa mga casino, ipinanukala matapos ang Resorts World attack

 Nais ng isang mambabatas na mas higpitan pa ang pagpapasok sa mga casino sa buong bansa kasunod ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila.  Isang panukalang batas ang inihain ni Isabela Congressman Rodolfo Albano na nagma-mandato sa mga casino sa buong bansa na magkaroon ng tatlong libong pisong entrance fee.  Sa nasabing panukala, ipinunto ni […]

Continue Reading

Sprinkler at smoke exhaust system ng Resorts World Manila, iginiit na gumana

  Iginiit ng pamunuan ng Resorts World Manila na gumana ang kanilang sprinkler system at smoke exhausts sa gitna ng pag-atake noong nakaraang linggo ng nag-iisang gunman sa gusali. Ayon kay Resorts World Manila COO Stephen Reilly, meron na silang third party review sa nasabing sistema. Gayunman, aminado si Reilly na may lapses sa seguridad […]

Continue Reading

Imbestigasyon ng Kamara sa 'RWM attack' umarangkada na

Umarangkada na ang imbestigasyon ng Kamara sa pag-atake  sa Resorts World Manila (RWM) noong nakaraang linggo. Nagsama-sama ang tatlong komite sa nasabing imbestigasyon; ito ay ang House Committee on Games and Amusement, Committee on Public Order and Safety at Committee on Tourism. Pinamumunuan ang nasabing mga komite nina Parañaque City Representative Gus Tambunting, Antipolo City […]

Continue Reading

House hearing sa RWM attack, gugulong sa Miyerkules

Mag-iimbestiga na rin ang Kamara kaugnay ng naganap na Resorts World Manila (RWM) attack noong nakaraang linggo, kung saan ay aabot sa 38 katao ang nasawi. Isasagawa ng House Committees on Games and Amusement at Public Order and Safety ang hearing in aid of legislation sa Ninoy Aquino Internatonal Airport Terminal 3 sa Miyerkules. Bubusisiin […]

Continue Reading

Mga opisyal ng gobyerno, pinag-iingat sa paggamit ng salitang ‘terrorist attack’

  Pinaalalahanan ng ilang senador ang iba pang opisyal ng gobyerno na huwag magpadalus-dalos sa pagbansag sa naganap sa Resorts World Manila (RWM) bilang ‘terrorist attack.’ Ayon kay Senador Chiz Escudero, ang pulisya ang nakaaalam sa insidente at hindi ang mga mambabatas. Dapat naman aniyang mag-ingat ang mga ito sa pagtawag sa insidente bilang ‘terror […]

Continue Reading

Resulta ng imbestigasyon sa RWM attack inaabangan ng Palasyo

Hinihintay na ng Malacañang ang isusumiteng rekomendasyon ng investigating bodies kaugnay ng nangyaring insidente sa Resorts World Manila (RWM). Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi maaaring walang mapanagot, lalo na sa pagkasawi ng tatlumpu’t walo katao kasama na ang suspek na si Jessie Carlos. Sang-ayon ang Malakanyang sa pananaw ni Senate President Koko Pimentel […]

Continue Reading

RWM, hindi matatakasan ang criminal liability sa nangyaring pag-atake — DOJ

Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II na haharap pa rin sa criminal cases ang pamunuan ng Resorts World Manila (RWM) kahit magbibigay sila ng tig-isang milyong piso sa mga biktima. Ginawa ni Aguirre ang pahayag kasunod ng mga balitang posibleng hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima dahil […]

Continue Reading