Bagyong Samuel

Bagyong Samuel, tatama sa Dinagat-Samar-Leyte area mamayang gabi

MAMAYANG gabi inaasahan na tatama sa kalupaan ang Bagyong Samuel sa Dinagat-Samar-Leyte area. Ayon sa Pagasa, kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20km kada oras. Huling namataan ng Weather Bureau ang bagyo sa layong 395km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 […]

Continue Reading

Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Surigao del Norte. Naitala ang lindol sa walong kilometro Timog ng Libjo, Surigao del Norte, kaninang alas-7:12 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na tatlumpu’t dalawang kilometro. Naramdaman ang intensity 1 sa Surigao City.

Continue Reading

Senior citizen, patay sa panibagong lindol sa Surigao City

Patay ang isang lola matapos na atakihin sa puso matapos yanigin ng magnitude 5.9 na lindol ang Surigao City kahapon ng umaga. Samantala, sugatan naman ang hindi bababa sa dalawampung iba pa. Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa higit walumpung kabahayan ang nasira sa Lunsod ng Surigao at […]

Continue Reading

Sundalo, sugatan matapos makaengkuwentro ang nasa 30 miyembro ng NPA sa Surigao del Norte

Isang sundalo ang sugatan matapos na makaengkuwentro ng mga tropa ng 30th Infantry Battalion ang nasa tatlumpung miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte. Naganap ang bakbakan sa Barangay Tinago sa Bayan ng Malimono. Nagpasabog umano ng improvised explosive device (IED) ang mga rebelde na ikinasugat ng sundalo. Patuloy naman ang kanilang […]

Continue Reading

Surigao Del Norte, muling niyanig ng 3 magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol ang Surigao Del Norte kahapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Surigao, tumama ang lindol sa Bayan ng Burgos, Surigao Del Norte. Nilinaw ng PHIVOLCS na ang naturang mga pagyanig ay hindi aftershocks sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Siyudad ng Surigao noong Pebrero […]

Continue Reading

Pulong Duterte, pinayuhan si Trillanes na magpatingin sa isang psychiatrist

Pinayuhan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na magpatingin sa psychiatrist dahil malinaw umano na mayroon itong problema sa pag-iisip. Ginawa ng alkalde ang pahayag makaraang muling buhayin ni Trillanes ang alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang pamilya tungkol sa bilyon-bilyong umanong laman ng kanilang mga bank […]

Continue Reading

NPA, itinangging may kinalaman sa pananambang sa mga sundalong nagbigay-ayuda sa Surigao del Norte

Itinanggi ng New People’s Army (NPA) na may kinalaman sila sa pananambang sa mga sundalo at isang non-government organization na naghatid ng ayuda sa mga biktima ng lindol sa Surigao del Norte. Ayon kay Ka Oto, tagapagsalita ng Guerrilla Force 16 ng NPA, hindi sila ang nasa likod ng ambush dahil nagdeklara sila ng ceasefire […]

Continue Reading

Naitalang aftershocks sa Surigao del Norte, umabot na sa halos 200

Umabot na sa halos 200 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang pagtama ng magnitude 6.7 na lindol noong isang linggo. Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa kabuuang 181 aftershocks na ang naitala sa pagitan ng magnitude 2.0 hanggang 4.9. Pinayuhan naman ng PHIVOLCS ang evacuees na tiyaking […]

Continue Reading

Surigao del Norte, isinailalim na sa state of calamity dahil sa 6.7 magnitude na lindol

Isinailalim na sa state of calamity ang Surigao Del Norte makaraang tamaan ng 6.7 magnitude na lindol noong Biyernes. Ayon kay April Rose Sanchez, Office of the Civil Defense (OCD)- Caraga, nagpasa ng resoluyon ang provincial board para ideklara ang state of calamity sa nasabing probinsiya dahil na rin sa malalang pinsala na iniwan ng […]

Continue Reading