umapela

Ilang senador, umapela na pagkatiwalaan ang gobyerno sa isyu sa WPS

National News

Umapela sa publiko sina Senador Koko Pimentel at Loren Legarda na pagkatiwalaan ang hakbang ng gobyerno sa pagsusulong ng interes sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa senador, magkakaroon ng dialogue mechanism ang Pilipinas at China para maresolba ang isyu sa WPS.

Sang-ayon din ang dalawang senador sa pananahimik ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga aksyon ng gobyerno kaugnay sa mga estratehiya ng administrasyon.

Kinatigan din ni Legarda ang posisyon ni Pangulong Duterte na hindi makipag-giyera sa China.

Una ng iginiit ni Cayetano na may mga magandang resulta ang pakikipag-ugnayan ng Duterte Administration sa isyu ng West Philippine Sea.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *