point 2 point

LTFRB, may paalala sa mga Point 2 Point buses sa kanilang pagtaas ng pasahe

Metro News

Ipinapaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) sa mga operators ng Point 2 Point (P2P) buses na umayon sa panuntunan ng gobyerno sa pagtaas nito ng pasahe sa mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng LTFRB, may mga patakaran silang ipinataw sa mga P2P buses na aniya’y dapat masunod kahit pa magpataw ito ng fare hike.

Ginawa ng LTFRB ang paalala matapos ang pagtaas sa pasahe ng rrcg-isang P2P bus operator.

Mula sa dating P80.00 na kanilang promo fare, aabot na ito ngayong sa P100.00 para sa kanilang ruta na Alabang-Makati.

Base naman sa orihinal na fare matrix ng Ltfrb, hindi dapat lalagpas sa 110 piso (P110.00) ang pasahe sa mga P2P buses

Magkakaproblema aniya ang kumpanya kung lalagpas sa P110.00 ang kanilang fare hike.

Bukod pa sa RRCG, nabanggit din ni Lizada ang ibang P2P operators na nagpapatupad ng fare hike o promo fare.

Samantala, bukod sa pagtaas ng pasahe sa RRCG, nakaamba na rin ngayong June 15 ang pagtaas sa presyo ng ibang P2P operators gaya ng Froehlich Tours Inc., dahil na rin sa nagmahal na presyo ng oil products.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *