slovakia

Tulong sa pamilya ng nasawing OFW sa Slovakia, tiniyak

National News

Tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa Vienna sa pamilya ng Overseas Filipino Worker na nasawi sa Slovakia ang lahat ng posibleng tulong na ipapagkakaloob sa mga ito.

Maging sa pagpapauwi sa mga labi ni Henry Acorda sa Taguig City at pagkuha ng abogado para ipagpatuloy ang  kaso laban sa suspek na pumatay sa Pinoy worker.

Ito’y kasunod sa pagbisita ni Ambassador Ma. Cleofe Natividad, sa Bratislava upang personal na ipaabot nito ang kanyang pakikiramay sa naulilang ina at sa dalawang kapatid ni Henry  na pinaslang sa lugar.

Kinilala ang bente otso anyos na suspek na si Hiraj Hossu, kung saan agad niyang binanatan si Acorda matapos pigilan siya nito na harassin ang dalawang kababaihan.

Nangyari ang insidente alas kwatro y media ng umaga at kitang kita ang lahat ng mga pangyayari sa cctv kung paano pinatay ng suspek si Acorda.

Ang  trenta’y sais anyos na si Acorda ay   isang financial analyst para sa multinational company ng Bratislava na nasawi nito lamang a trenta y uno ng Mayo.

Kaugnay nito welcome naman sa Department of Foreign Affairs ang pagtitiyak  ng prime minister ng Slovakia na pananagutin ang suspek sa pagpatay kay Acorda.

Una na rin nagpahayag ng pagpapahalaga si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa naging tugon ng Slovakia Prime Minister.

Ang suspek na si Hossu ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga otoridad doon.

Ulat ni: Cherry Light 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *