bomb joke

OFW, arestado dahil sa bomb joke

Metro News

Arestado ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight galing Saudi Arabia matapos manakot na pasasabugin nito ang eroplano.

Nakilala ang OFW na isang Alvin Malimban na agad inaresto paglapag ng eroplano sa NAIA Terminal-2.

Si Malimban ay hinuli matapos ireklamo ni Marissa Galvez, Chief Flight Steward at asawa ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez dahil sa pangungulit, panggugulo at pananakot na pasasabugin ang eroplano habang nasa ere papuntang NAIA dahil sa kalasingan.

Nang mahimasmasan ay agad humingi ng paumanhin si Malimban na tinanggihan naman ni Galvez.

Nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal, bomb joke at unjust vexation ang suspek.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *