kontrabando

P40-M halaga ng kontrabando, nasabat ng BOC-NAIA

Metro Manila

Skimming devices, mga gamit pampaganda at iba’t ibang klase ng branded na sapatos.

Ito ang laman ng mga balikbayan boxes na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa PairCargo Warehouse.

Ayon sa BOC, aabot sa P40-M ang halaga ng mga naturang kontrabando na tinangkang ipuslit sa bansa mula sa labindalawang (12) balikbayan boxes.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ideneklara bilang personal effects at household goods ang mga imported beauty products mula Abu Dhabi na tinatayang nasa P8-M.

Nasa P25-M halaga naman ang glutathione soft gels at vials na mula sa Thailand at Malaysia.

Una ng nagpalabas ng public advisory ang Food and Administration Agency (FDA) ng pagbabawal ng paggamit ng mga ganitong produkto dahil sa mataas na antas ng toxic mercury na lubhang nakakasira sa kalusugan at balat ng tao.

Samantala, aabot sa 111 ang pares ng original rubber shoes na mula Rome, Italy na nagkakahalaga ng P5-M ang natuklasan mula sa labinlimang (15) balikbayan boxes.

Bukod sa mga naturang kontrabando, nasabat din ng nasabing ahensiya ang aabot sa mahigit isanlibong (1, 000) skimming devices na mula sa China, Taiwan, Hongkong, Malaysia at Indonesia sa NAIA Terminals ang nasabat din ng Customs mula noong December 16,2017 hangang June 1,2018.

Sinabi ni  BOC Commissioner Isidro Lapeña ang mga set ng gadgets ay madalas na ginagamit sa cyber crimes at sa mga pandaraya sa bangko gamit ang online bank transactions.

Matapos ipresenta sa media ang mga nasabat na kontrabando ay agad din itong dinurog sa pamamagitan ng shredding machine habang i-susubasta naman ang mga magagarang sapatos.

Ibigay na lang sa mahihirap sa halip na isubasta – Rep. Cua

Nanawagan si House Committee on Ways and Means Chairman Representative Dakila Carlo Cua sa Bureau of Customs na ibigay na lamang sa mga mahihirap na pinoy ang multi-million pesos na halaga ng smuggled na bigas na nasabat sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Cua, sa halip na ipasubasta ang mga bigas, ibigay na lamang ito sa mga government agencies para mapakinabangan ng mga benipisyaryo ng unconditional cash transfer sa ilalim ng TRAIN Law.

Sinabi ni Cua na malaking tulong ang bigas sa mga nangangailangang pamilya bukod pa sa social benefits card na kanilang dapat matanggap.

Matatandaan na nasabat kamakailan ang nasa isandaang libong sako ng high grade Thai race na nagkakahalaga ng P250-M sa MICP dahil sa kawalan ng sapat na dokumento.

 

Ulat ni: Cherry Light

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *