deportation proceedings

Patricia Fox, wala pang kawala sa deportation proceedings

National News

Hindi pa nakawala ang Australyanong madre na si sister Patricia Fox sa deportation proceedings nito.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng desisyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng missionary visa ng madre.

Paliwanag ni Roque, ang napawalang-bisa lamang ng DOJ ay ang desisyon ng Commission on Immigration and Deportation (CID) na forfeiture missionary visa order laban kay Fox.

Sinabi ng Palace Spokesman na inihayag ng DOJ na walang ganoong kapangyarihan ang CID.

Ayon kay Secreatary Roque, “Well lilinawin ko lang po, Sister Fox is not yet off the hook. Ang napawalang-bisa lang po ng DOJ is the decision of the Commission on Immigration and deportation which nullified her missionary visa.”

“Kaya malinaw po sa desisyon ni Justice Secretary Guevarra, this is without prejudice po sa desisyon ng CID sa deportation proceedings.”

Dagdag pa ni Roque, hinihintay na lamang nila ang desisyon ng CID patungkol sa isyu na sumapi o hindi sa pulitika si Sister Fox.

Base sa resolusyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra, bagama’t pabor siya sa panuntunan ng Immigration na isang prebilihiyo ang pagkakaroon ng visa, hindi naman aniya tama na basta na lamang itong bawiin ng walang legal na batayan.

Inatasan naman ng kalihim ang Immigration na linawin kung ang inirereklamo laban sa madre.

Magugunitang forfeited ang visa ni Fox with finality dahil sa paglahok sa mga rally laban sa Administrasyong Duterte na labag sa umiiral na batas na bawal makilahok sa anumang political rally ang mga dayuhan sa bansa.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *