dayalogo

3-man committee, binuo para makipag-dayalogo sa simbahan

National News

Bumuo ang pamahalaan ng isang komite na naatasang magsagawa ng dayalogo sa religious sector upang matuldukan ang hidwaan sa pagitan ng simbahan at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nitong Lunes, June 25, nang mapagdesisyunan ng pangulo na bumuo ng 3-man committee para mapaghusay ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng simbahan at ng chief executive.

Kasama ni Roque sa komite sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na dating pastor at si Pastor ‘Boy’ Saycon na itinalaga ni Duterte sa EDSA People Power Commission.

Una nang nanawagan ang ilang grupo ng simbahan sa bansa upang magkaroon ng pakikipag-usap sa pangulo kasunod ng ilang banat nito sa Diyos, sa bibliya at sa simbahan.

Magugunitang tinawag ng pangulo na estupido ang Diyos na umani ng kritisismo hindi lamang sa religious sector at kritiko nito.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *