Daan-daang katao

Daan-daang katao nawala, matapos gumuho ang isang dam sa Laos

International News

Nawawala ang daan-daang katao matapos mag-collapse ang isang dam sa timog-silangang bahagi ng Laos.

Tinatayang nasa anim na libong kabahayan naman mula sa anim na bayan ang sinira ng tubig baha matapos bumigay ang malaking hydroelectric dam sa probinsya ng Attapeu.

Agad na nagtungo si Prime Minister Thongloun Sisoulith sa lugar ng Sanamxay District na pinakaapektado ng pagbaha.

Inaasahan na magsisimula na sana ang commercial operation ng 410-megawatt capacity dam sa susunod na taon.

Sa ngayon ay patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad para hanapin ang mga nawawalang mga tao.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *