provincial bus

Metro Dry run ng pagbababawal sa mga provincial bus sa EDSA, ipinatupad

Metro News

Metro Dry run ng pagbababawal sa mga provincial bus sa EDSA, ipinatupad

Ilang provincial bus ang nasampolan sa unang araw ng dry run ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ipatutupad na bagong traffic scheme sa susunod na linggo.

Kaugnay ito sa pagbabawal ng mga pam-probinsyang bus na dumaan sa ilang bahagi ng EDSA, mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon City tuwing rush hours.

Gayunman, hindi muna tineketan at pinagmulta ang mga nahuling bus ng mga tauhan ng MMDA sa pagitan ng Magallanes at Santolan, sa halip ay pinagsabihan lamang ang mga ito.

Tatagal ang dry run hanggang sa July 31 habang epektibo sa unang araw ng Agosto ay ipatutupad ang traffic scheme mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-diyes ng umaga at mula alas-sais ng gabi hanggang alas-nwebe ng gabi.

Sa ilalim nito, papayagan lamang hanggang sa Araneta Center Cubao Station ang lahat ng provincial bus galing ng Norte habang ang mga magmumula ng South ay pinayuhang gamitin ang Southwest Interim Provincial Terminal sa Pasay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *