nakakatulong

TRAIN Law, hindi nakakatulong sa mahihirap na pamilya

National News

Iginiit ni Senador Bam Aquino na hindi nakakatulong lalo na sa mga mahihirap na pamilya ang TRAIN Law.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Duterte nakakatulong ang TRAIN Law na maibsan ang pasanin ng mahihirap na pamilya sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon sa senador, iisa ang hinaing ng mga kababayan natin sa pagsasabing hirap na hirap na ang kanilang pamilya.

Bagama’t nagustuhan ni Aquino ang isinusulong na reporma ni Pangulong Duterte hinggil sa bigas, iginiit ng senador na nais ng taumbayan na maalis ang pasanin na dulot ng mataas na presyo ng bilihin at tumataas na inflation.

Dagdag pa ng senador, patuloy na malulubog sa kahirapan ang mga Pinoy hatid ng TRAIN.

Ito ay dahil sa panibagong increase nito sa Enero 2019 at Enero 2020.

DWSI864

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *