karamdaman

Balitang may karamdaman si Pangulong Duterte, isang fake news

International News National News

Tinawag na fake news ng Malakanyang ang kumakalat na balita na isinugod sa ospital si Pangulong Rodrigo Duterte sa ospital dahil sa karamdaman.

Pinasinungalingan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maganda ang kondisyon ni Pangulong Duterte.

Isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address. Pumunta ng Cardinal Santos Medical Center ang pangulo para sa kaniyang regular checkup.

Una ng sinabi ng Palasyo na binigyang ng Clean Bill of Health ang Pangulong Duterte. Kasama sa annual checkup nito ang pagpunta sa ospital.

Binalaan naman ng Malakanyang ang mga nagpapakalat ng pekeng balita.

Dumalo ang Pangulong Duterte sa ika-69 na araw ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Bumisita din ang pangulo. Sa fire victims ng Labuan Zamboanga City at wounded in action na mga sundalo sa Western Mindanao Command (WesMinCom).

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *