delegates

Jed Madela, nagalit matapos nakawan ng pasalubong ang WCOPA delegates

Showbiz

Nawala ang saya ng Philippine World Champions of Performing Arts (WCOPA) delegates kasama ang veteran singer na si Jed Madela sa kanilang pagbabalik-bansa. Matapos ang matagumpay na paglahok sa kompetisyon sa WCOPA 2018 sa Long Beach California USA.

Hindi naiwasan ni Madela na maglabas ng sama ng loob at madismaya sa sinapit nila sa NAIA Terminal.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Madela na ninakaw ang mga pasalubong ng mga delegates para sa kanilang pamilya. Matapos buksan ang kanilang mga luggage sa airport.

Yes, we are back home! And we are happy! Except for one thing, “Whoever broke into the luggages of our delegates and stole their ‘pasalubongs’ for their families, SHAME ON YOU!”, ayon kay Jed.

Ang masakit pa aniya rito ay bukod sa kakaunting pocket money na mayroon ang mga delegates ay talagang pinagkasya at inipon nila ang pocket money para makabili at makapag-uwi ng mga pasalubong sa kanilang pamilya ngunit sa airport pa mismo ng Pilipinas ito nagsiwalaan.

These kids barely have enough at tinabi nila pera nila para mabilhan nga pasalubong mga mahal nila sa buhay dito sa Pinas. Tapos nanakawin lang sa airport. Nakakahiya. I don’t know how these people can do such a heartless thing,” dagdag pa ni Jed.

Isa si jed sa mga coach ng delegates sa naganap na competition at ang grupo ay nakapag-uwi ng 300 medalya at trophies.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *