Lawa

Lawa ng tubig sa Mars, natuklasan

International News

Isang malaking lawa ng tubig na may lawak na 12 milya ang natuklasan sa unang pagkakataon sa planetang Mars o tinaguriang Red Planet base sa ulat ng mga siyentipiko.

Nadiskubre ang lawa sa pamamagitan ng makabagong radar na kung tawagin ay Mars Advanced Radar for Subsurface and Ionosphere Sounding (MARSIS) na kayang tumagos sa yelo gamit ang radar pulses.

“If these researchers are right. This is the first time we’ve found evidence of a large water body on mars.”

Ito ay ayon kay Cassie Stuurman, Geophysicist, University of Texas.

Inihahambing ang nasabing lawa sa mga subglacial lakes na matatagpuan sa Antartica at Greenland dito sa Earth.

Ang nasabing pagkakatuklas ay umani ng posibilidad na maaring tumira ang tao sa planetang Mars.

Binabalak ng NASA kasama ang business magnate na si Elon Musk na magpadala ng tao sa Mars sa 2030.

Ayon sa Planetary Scientist na si Roberto Orosei nakamamangha na kahit nasa ilalim ng yelo ang tubig ay hindi ito nagyelo.

Ito ay dahil sa  pinagsamang presensiya ng calcium, magnesium at sodium salts.

Ang posibilidad na may reservoir o imbakan ng tubig sa red planet ang patuloy pang pinag-aaralan ng mga siyentipiko.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *