malaki

Justice Samuel Martires, malaki ang maitutulong sa Anti-Corruption ng Administrasyon

National News

Malaki ang maitutulong ng bagong Ombudsman na si Justice Samuel Martires sa kampanya ng administrasyon kontra sa korupsiyon

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalaga na ang mga itinatalaga sa matataas na posisyon ay walang bahid ng anomalya.

Ganito aniya si Justice Martires na bukod sa walang kontrobersiya ay hindi rin makukuwestiyon ang pagiging bihasa sa batas.

Ipinunto ni Roque na itinuturing sa law profession, na isang legal luminary si Justice Martires.

Si Martires ay naging Associate Justice ng Sandiganbayan sa panahon ng Arroyo Administration.

Itinalaga ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema nuong isang taon hanggang sa pangalanan ng presidente kahapon bilang susunod na Ombudsman.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *