Bangsamoro

Pagsasabatas sa Bangsamoro Organic Law, simula na ng pangmatagalang kapayapaan sa Muslim-Mindanao

National News

Hudyat ng pagbabago para kay Anak-Mindanao Partylist Representative Amyhilda Sangcopan ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Sangcopan, matutugunan na ang mga problema ng pagkakawatak-watak sa Muslim-Mindanao sa pagpasa ng BOL.

Dahil dito, asahan na aniya ang patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa implementasyon ng BOL dahil nilalaman ng batas.

Ang adhikain ng mga Moro na makapamuhay ng naayon sa kanilang polisiya at kultura.

Sa huli, iginiit ni Sangcopan na magtutulungan ang mga Muslim at non-Muslim entities sa itatayong Bangsamoro Region.

Lalo na sa paggawa ng mga regional laws na may gabay mula sa national government.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *