Senado

Senado, igigiit ang pagtutol sa pagpapaliban ng 2019 Midterm Elections

Metro News

Nanindigan ang senado sa kanilang posisyon laban sa anumang hakbang na ipagpaliban ang 2019 midterm elections para bigyang-daan ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay Senador Miguel Zubiri handa ang Senado na magpasa ng resolusyon para tutulan ang postponement ng halalan.

Nagkasundo rin ang mga senador na hindi nila mamadaliin ang panukalang Pederalismo.

Nagdesisyon rin sila na tutulan ang  Constituent Assembly (Con-Ass).

Gayunman, hindi isinasara ng senado ang pinto sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Papayagan nilang dinggin ito sa Committee on Constitutional Amendments at sumailalim sa seryosong deliberasyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *