Duterte

Pangulong Duterte, pupulungin ang mga miyembro ng PDP-Laban

Metro News

Magpapatawag ng caucus si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng PDP-Laban.

Kasunod ito ng pagkakawatak-watak ng mga miyembro at hidwaan sa mga lider ng partido.

Kamakailan ay lumutang ang grupo ni Atty. Rogelio Garcia na nagpakilalang “genuine” na PDP-Laban na nagpatalsik kay dating Senate President Koko Pimentel bilang Chairman.

Hinalal din ng grupo ni Garcia si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go bilang auditor ng partido.

Ayon kay Go, sang-ayon sina Garcia at Pimentel sa ipapatawag na caucus ni Pangulong Duterte para muling pagbukludin ang partido.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *