arestuhin

PNP, handa ng arestuhin ang 4 na dating mga mambabatas

Metro News

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang kopya ng warrant of arrest para arestuhin ang apat na dating mambabatas.

Hinikayat ni PNP Chief General Oscar Albayalde sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Teodoro A. Casiño, National Anti-Poverty Commission (NAPC) Commissioner Liza Masa at dating DAR Secretary Rafael Mariano na sumuko na lamang sa mga otoridad.

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng apat na mambabatas sa kasong murder.

Ito ay matapos akusahang nagpapatay umano kina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong 2001 at 2004.

Mariin namang itinanggi ng apat na dating mambabatas ang akusasyon laban sa kanila.

Tiniyak ni Albayalde na walang paglabag sa karapatang pantao ang kanilang gagawing pag-aresto sa dating mga mambabatas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *