Alice Dixson

Alice Dixson, binatikos dahil sa pag-swimming sa Boracay

Showbiz

Umani ng batikos ang aktres na si Alice Dixson dahil sa ipino-post nito na mga photos habang nagsi-swimming sa Boracay Island.

Sa caption ng Instagram photos ni Alice ay nag-celebrate siya ng kanyang ika-49 na kaarawan sa Boracay.

Lumikha ng maraming bash mula sa netizens ang aktres dahil may palakasan system daw na nangyari sa nasabing isla.

Ngunit nilinaw naman ng Department of Local Government na mayroong resident Id ang aktres.

Ito ay dahil residente ito sa isang barangay sa Boracay.

May-ari ng isang hotel sa Boracay ang asawa ng aktres.

Kung kaya’t nakapasok siya sa resort habang on-going ang clean up drive ng pamahalaan sa isla.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *