kalamidad

Maagang pagsuspinde ng pasok tuwing may kalamidad, apela ng DILG sa mga LGU

National News

Dapat agad na magdesisyon ang mga lokal na opisyal sa suspensyon ng trabaho at klase sa mga paaralan.

Ito ang panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Eduardo Año sa mga local chief executive na nagsisilbing chairperson ng kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils.

Kasunod ito ng natanggap na feedbacks at reklamo ng field offices ng DILG.

Mula ito sa mga pribadong indibidwal sa late na suspensyon ng mga klase ng ilang pamahalaang lokal.

Sinabi ni Año na dapat ay aktibong imonitor ng mga ito ang kondisyon ng panahon at aktuwal na sitwasyon sa kanilang lokalidad.

Hindi aniya maaaring tutulug-tulog lamang ang mga lokal na opisyal tuwing masama ang panahon o may kalamidad.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *