Pagsabog

Pagsabog sa Basilan, ayaw pang ituring na terror attack ng AFP, kahit kagagawan ng Abu Sayyaf Group

International News

Ayaw pang ituring na terror attack ng Armed Forces of the Philippines ang naganap na pagsabog sa Sitio Magwakit, Barangay Bulanting, Lamitan City sa Basilan.

Hiniling ni AFP Spokesperson Col. Edgardo Arevalo na huwag gamitin ang salitang terror attack dahil kasalukuyan pa aniya ang isinasagawang imbestigasyon dito ng mga otoridad.

“I’d like to us you and our people to refrain for using lone attack or terrorist attack, foreign terrorist attack, because thisare speculation.

Up to now investigation is still ongoing and we should not preem this,” ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgardo Arevalo

Ayon kay Arevalo, bahagi ng Abu Sayyaf Group sa pamumuno ni Sub-Commander Furuji Indama ang drayber ng van na sumabog.

“We receive early reports that says there could be explosive devices that will be deploy in the various areas specifically in Basilan.

That’s why our check points in Mindanao will be alerted,” dagdag pa ni Arevalo

May natanggap rin silang impormasyon na may magpapakalat ng improvise explosive device sa lugar.

Dahilan kung kayat mas pinaigting nila ang mga check point.

Ayon sa ulat labing isa ang kumpirmadong nasawi sa pagsabog at 7 naman ang naitalang sugatan.

Kabilang sa mga nasawi ang 5 CAFGU, 4 civilians identified as CAFGU dependents, 1 sundalo at ang drayber ng sumabog na sasakyan.

Kabilang sa mga nasugatan isang CAFGU at anim na scout ranger.

Mariin kinondena ng AFP ang naganap na pagsabog na nagresulta ng pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *