JV Ejercito

Sen. JV Ejercito, lilipat ng partido

Metro News

Kinukonsidera ni Senador JV Ejercito na lumipat sa Nationalist People’s Coalition Party (NPC) bilang paghahanda sa 2019 midterm elections.

Ipinunto ni Ejercito na hindi magandang tingnan kung dalawa sila ng kapatid niyang si Jinggoy Estrada na tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng partido ng Puwersa ng Masang Pilipino.

Giit nito na komportable sya sa NPC kung saan kaibigan niya ang karamihan sa mga miyembro.

Sa senado, miyembro ng NPC sina Senate President Vicente Sotto III, Senador Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, at Grace Poe.

Una nang sinabi ni Ejercito na nais nyang lumipat sa PDP-Laban ngunit binawi ito dahil sa pagiging magulo ng partido.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *