droga

High school teacher, arestado sa pagtutulak ng iligal na droga

Provincial News

Isang High School teacher ang hinuli dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Kinilala ang tulak na titser na si Roselier Cadeliña, 44 taong gulang.

Guro ito ng Sibulan National High School sa lalawigan ng Negros Oriental.

Kasamang naaresto ang 42 anyos na si Rictor Ligo na kakalaya lang mula sa New Bilibid Prison nitong nagdaang Marso dahil din sa kaso sa iligal na droga.

Naaresto ang mga ito kasunod ng ikinasang buy bust operation ng pambansang pulisya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *