Thailand

Lalake sa Thailand, kinagat ng buwaya sa gitna ng palabas

International News

Isang kakaibang stunt ang nauwi sa trahedya sa Phokkathara Zoo sa Chiang Rai, hilagang bahagi ng Thailand.

Balak sana ng reptile handler na si Tao, 45 anyos, na magpasiklab sa pamamagitan ng pagpasok ng kanyang kamay sa lalamunan ng buwaya.

Habang pilit niyang itinutulak papasok ang buong braso kasabay ng pagpapatigil sa tugtog.  Bigla na lamang itong kinagat ng buwaya habang marahas na inaalog ang kanyang buong braso.

Dinig ang naghihinagpis na sigaw ng reptile handler habang gulat na gulat naman ang mga manonood sa nasaksihang insidente.

Nang mabawi ang buong braso at kamay ay tumakbo palayo si Tao habang nag-iwan ng mga bakas ng dugo sa sahig.

May mga bata din na nakasaksi sa pangyayari.

Ayon naman sa may-ari ng crocodile park na si Dong Wittawat ay nagamot na si Tao.

At ito ay magbabalik sa serbisyo pagkatapos ng dalawang linggo.

Mahilig daw sa buwaya si Tao at bihirang mangyari ang nasabing aksidente.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *