guilty

Janet Napoles, hinatulang guilty ng US Federal Grand Jury

Metro News

Hinatulang guilty ng US Federal Grand Jury sa kasong conspiracy ang umano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at limang iba pa.

Kaugnay ito sa paggamit ng halos dalawampung milyong pisong (P20-M) pondo ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng multi-year bribery at fraud scheme sa pagbili ng assets.

Gaya ng real property at mamahaling sasakyan sa Amerika.

Bukod kay Napoles ay kinasuhan din ng conspiracy to commit domestic at international money laundering ang limang miyembro ng pamilya nito.

Ito ay sina Jo Christine Napoles, James Christopher at Jeane Catherine Napoles gayundin sina Reynald Luy at Ana Marie Lim.

Nadakip si Napoles noong Agosto 2013 at kasalukuyang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *