challenge

LTO, nagbabala sa mga susubok sa “In My Feelings Dance” challenge

Metro News

Ang dance challenge na “In My Feelings” ay usong-uso ngayon. Dahil dito nagbabala ang law enforcement agencies.

Huhulihin ng Land Transportation Office (LTO) at iba pang law enforcement agencies ang mga gumagawa ng “In My Feelings dance” sa mga pampublikong daan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTR), maituturing ng isang uri ng reckless driving ang paggawa ng challenge.

Ipinaalala ng DOTr na ang paggamit ng cellphone o kahit anong video recording device habang nagmamaneho ay isang paglabag sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act.

Pagmumultahin ng mula P5, 000 hanggang P15, 000 ang mga maaaktuhang lumabag rito.

Posible ring bawiin ang kanilang  driver’s license.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *