mababa

Mga bayarin sa bansa, mas mababa sa ilalim ng Duterte Admin

National News

Mas mababa ang utang ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kumpara sa administrasyon nina dating pangulong Corazon Aquino at Joseph Estrada.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nasa tamang posisyon ang pangulo para isaayos ang imprastraktura ng bansa.

Hindi tulad ng administrasyong Aquino at Estrada na kanya ring pinagsilbihan.

Tinukoy ng kalihim ang pagpabor ng lahat ng mga kondisyon sa programang “Build, Build, Build”.

Kung saan ang ratio ng utang ng bansa at ng Gross Domestic Product (GDP) ay mababa.

Sinabi ni Diokno na masyadong nahirapan ang administrasyon ni Aquino sa mataas na interest rates.

Habang pinangangasiwaan ang demokrasya sa bansa.

Habang noong manilbihan si Estrada ay nagsimula pa lamang makarekober ang Pilipinas mula sa Asian Financial crisis.

Si Diokno ay naging budget undersecretary sa ilalim ni Aquino at nagsilbing budget secretary sa pamunuan naman ni Estrada.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *