Melchor Carandang

Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang, sinibak

Metro News

Ipinag-utos ng Office of the President ang pagsibak kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang dahil sa graft and corruption at betrayal of public trust.

Ayon kay Secretary Salvador Medialdea ito ay kaugnay ng pagsasapubliko ni Carandang na iniimbestigahan ng Ombudsman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang kanyang pamilya dahil sa umano’y bilyong pisong halaga ng nakaw na yaman.

Sinabi ni Carandang noon na nakakuha na ang Ombudsman ng bank transaction records mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ayon sa Office of the President, ang ginawang ito ni Carandang ay paglabag sa batas.

At nakakaapekto ng husto sa kanyang kakayahan para manatili sa hinahawakang posisyon.

Ipinag-utos din ng Malakanyang na kasabay ng dismissal kay Carandang  ang kanselasyon ng kanyang civil service eligibility, disqualification sa paghawak muli ng public office at forfeiture ng retirement benefits.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *