Lucas Matthysse

Ex-WBA welterweight champ Lucas Matthysse, nagretiro na sa boksing 

Sports

Inanunsyo ni dating WBA Welterweight Champion Lucas Matthysse ang pagreretiro niya sa boksing.

Nagpasalamat ang Argentina boxer dahil nabago ang kanyang buhay at pinasalamatan din niya lahat ng sumubaybay sa kanyang karera.

Sinariwa rin ni Matthysse ang lahat ng taong naging bahagi ng kanyang karera sa boksing partikular ang mahuhusay na boksingero na kumatawan sa Argentina.

Proud ito na napanatili niya ang kanyang karera ng sampung taon sa world level kung saan nakasagupa niya ang magagaling sa larangan ng boxing at natupad niya ang kanyang pangarap na maging world champion.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *