kanlurang

Habagat na pinalakas ng LPA, patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa

National News

Patuloy na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa ang Habagat na pinalalakas ng Low Pressure Area (LPA).

Huling namataan ang LPA sa dulong silangan ng hilagang Luzon at maliit ang tsansa nitong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nakararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan, Occidental Mindoro, Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM dahil sa pinalakas na Habagat, simula kaninang madaling araw.

Bahagya hanggang sa maulap na papawirin naman ang nararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng thunderstorms.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha at landslides dahil sa pag-ulan o thunderstorms.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *