Stephen Baldwin

Stephen Baldwin humingi ng advice kay Duterte, hinggil sa kasalang Justin Bieber at Hailey Baldwin

Showbiz

Nakipag-meet ang Hollywood actor at film producer na si Stephen Baldwin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtanong ang aktor sa pangulo kung ano ang masasabi nito sa pagpapakasal ni Canadian Singer Justin Bieber sa anak nitong American model na si Hailey Baldwin.

Sinagot ito ni Pangulong Duterte na hangga’t naniniwala si Bieber sa sanctity of marriage ay walang ipag-alala ang American actor.

Matatandaang kinumpirma ni Justin ang engagement nito kay Hailey sa Instagram post nitong nakaraang buwan.

Nasa bansa si Baldwin upang mag-shoot para sa upcoming drug-themed film na “Kaibigan” kasama ni Communication Assistant Secretary Mocha Uson

Kasama rin sa pelikula ang aktres na si Jean Garcia, actor Alvin Anson at ang Perkin Twins na sina Christian at Jesse.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *