Duterte

Duterte, handang bumaba sa puwesto kung mapatunayang may tagong yaman

National News

Handang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung mapapatunayan at mailalabas sa publiko ng kaniyang mga kritiko ang kaniyang umano’y “hidden wealth”.

Hinamon ni Duterte ang mga umaakusa sa kanya na sasamahan niya sa bangko para malaman kung may katotohanan ang umano’y kanyang 40-million peso bank account.

Sakaling hindi nito mapatunayan ay pagsasasampalin niya ang kanyang mga kritiko kapalit ng paninirang ginagawa sa kanya.

Matatandaan na matagal ng inaakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Duterte sa umano’y tagong yaman ng kanyang pamilya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *