Metro Manila

Metro Manila at ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa Habagat

Metro News

Patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o Habagat.

Ito’y ayon sa PAGASA kahit malabong pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, magdadala din ng ulan ang Habagat sa sa MIMAROPA at Western Visayas.

Mas pinalakas pa ng LPA na nasa isanglibo tatlong daan at tatlumpu’t limang (1, 335) kilometro silangang bahagi ng Aparri, Cagayan ang Habagat.

Gayunman, malabong maging bagyo ang nasabing LPA at inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility ngayong Lunes.

Dagdag pa ng weathear bureau, hinihila ang LPA ng tropical cyclone na may international name na Shanshan patungo sa direksyon ng Japan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *