muling

Pangulong Duterte, muling pinasaringan ang CPP-NPA-NDF

National News

Muling kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Kasunod ito ng patuloy na pagmamatigas ng CPP-NPA-NDF na sumunod sa mga kondisyon na inilatag ng gobyerno upang umusad ang usapang pangkapayapaan.

Hinikayat ni Duterte ang mga tagasunod ng komunistang grupo na itigil na ang pagpapaloko kay CPP Founder Jose Maria Sison na nagtatago sa labas ng bansa.

Ayon sa pangulo, tatlong taon na lamang ang itatagal ng buhay ni Sison dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Aniya, hindi na kaya ni Sison na pamunuan ng panibagong limang dekada ang pakikipaglaban sa pamahalaan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *