Immigration

Mga tauhan ng Immigration sa mga pantalan, pinaaalerto

Metro News

Pinadodoble ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang alerto ng mga nakadeploy na tauhan sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Kasunod ito ng pagkaaresto sa tatlong dayuhan kung saan ang isa ay gumagamit ng pekeng travel authority habang tampered passports ang ginamit ng dalawa.

Nabahala si Morente sa paglaganap ng paggamit ng mga pekeng travel documents ng mga banyaga na nagtatangkang pumasok at lumabas ng bansa.

Magsilbi aniyang leksyon sa iba ang pagkakadakip ng mga dayuhan na kasalukuyang nakadetine sa Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Habang nakabinbin ang paglalabas ng deportation orders laban sa mga ito.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *