Demi Lovato

Celebrities at fans, nagpakita ng suporta kay Demi Lovato

Showbiz

Umaapaw na suporta ang nakuha ni Demi Lovato mula sa iba’t ibang celebrities at fans nang basagin nito ang pananahimik matapos maospital dahil sa drug overdose.

Nagkomento ang mga Hollywood celebrities sa Instagram post ni Demi na inilabas nito noong Linggo, August 5.

Sinabi ni hotel heiress Paris Hilton at superstar Jennifer Lopez na minamahal at sinusuportahan nila si Demi.

Ipinaliwanag naman ni Rapper Macklemore ang kanyang personal na pakikipaglaban sa kanyang drug addiction at ang ilang beses niyang pagkakaroon relapse.

Aniya, ang recovery community ay ilang beses siyang winelcome back at binigyan ng love and support.

Ang mga fans ay nagpakita rin ng kanilang suporta via social media sa paggamit ng #KeepFightingDemi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *