Serena Williams

Serena Williams, inaming dumadaranas ng ‘postpartum emotions’

Sports

Inamin ng tennis star player na si Serena Williams na humaharap siya ngayon sa ‘postpartum emotions’.

Ito ay maaaring magtagal ng humigit kumulang sa 3 taon kung hindi maagapan.

“I read several articles that said postpartum emotions can last up to three years if not dealt with.” – Serena Williams

Matatandaang hindi natapos ni Williams ang WTA Season noong 2017 dahil na din sa kaniyang pagbubuntis.

Lumabas pagkaraan ng isang linggo ang kanyang naging pahayag matapos nitong mapabayaan ang 12 final game sa San Francisco kasunod ng kanyang pagkatlo sa score na 6-1 kontra kay Johanna Konta.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ng tennis star na hindi naging madali ang pagtanggap nito sa lahat ng nangyari.

Dagdag pa niya na tila natatakot na itong bumalik dahil tila hindi din siya nagiging mabuting ina sa kanyang anak.

“Talking things through with my mom, my sisters, my friends let me know that my feelings are totally normal. It’s totally normal to feel like I’m not doing enough for my baby.” – Serena Williams

Inanunsyo na rin ng mga organizers ang pagwi-withdraw ng 36-anyos na si Serena Williams sa WTA Montreal Tournament dahil sa personal na rason.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *