Cha-Cha

Cha-Cha, patuloy na isusulong ng Malakanyang

National News

Patuloy na isinusulong ng Malakanyang ang Charter Change (Cha-Cha) na magbibigay daan sa pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong Pederalismo.

Ito ay sa kabila na ilan sa mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mambabatas ang tumututol sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na malaki ang magagastos ng pamahalaan para sa pagpapalit ng Saligang Batas na maaaring magdulot ng pagbaba ng credit ratings ng bansa.

Pero ayon kay Presidential Harry Roque, hindi kailangan gumastos para sa magiging transition sa Federal government.

Gayunpaman, nirerespeto umano ng Malakanyang ang pahayag ni Dominguez.

Kaugnay nito, hinamon ni Roque ang economic managers na magprisinta ng alternatibong paraan sa pagpapalit ng Saligang Batas.

Report kaugnay ng Cha-Cha, ilalabas ng Senado sa Oktubre

Target ng senado na mailabas sa Oktubre ang report sa panukalang Charter Change (Cha-Cha).

Ito ang positibong sagot ni Senador Francis Pangilinan, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes nang tanungin kung kailan isusumite ng komite ang report sa Cha-Cha proposal.

Dagdag ng senador, dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang matanggap nila ang Draft Federal Constitution ng Consultative Committee (Con-Com).

Sinabi ni Pangilinan na may posibilidad din na gumawa sila ng rekomendasyon laban sa Cha-Cha.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *