Draft ng Federal Constitution

Draft ng Federal Constitution,  masyadong komplikado – Enrile

Metro News

Aminado si dating Senate President Juan Ponce Enrile na masyadong komplikado ang draft ng Federal Constitution.

Bagama’t suporta niya ang Federalismo, naniniwala si Enrile na hindi kakayanin ng pamahalaan ang dagdag na pondo para sa karagdagang bilang ng mga opisyal sa bansa.

Tinukoy ni Enrile ang nakasaad sa draft na mula sa 15 mahistrado ay gagawin itong 42.

Sa Kamara ay magiging 400 ang mga kongresista.

At mula sa 24 na senador ay magiging 36 na ito.

Kinuwestyon ni Enrile kung saan manggagaling ang pondo para sa nasabing mga hakbang sa ilalim ng Federal Constitution.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *