nasabat

P40-M halaga ng smuggled na asukal, nasabat

Metro News

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang halos nasa 40 milyong pisong halaga ng smuggled na asukal mula Thailand.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, naharang ng operatiba ang apatnapu’t limang 20-footer container vans na naglalaman ng mga kontrabando.

Idineklara ang kontrabado na mga packaging materials, kitchen utensils at mga kraft paper.

Nabatid na mula sa kompanyang Hup Lee Trading ang mga kontrabado na dumating sa pier sa magkakaibang petsa mula June hanggang July ng taong ito.

Ayon sa BOC, inabandona na ng consignee na Red Star Rising Corporation na may address sa Binondo, Maynila ang naturang shipment.

Ito ay dahil  napaso ang labinlimang araw na prescribed period.

Plano ni Lapeña na i-auction ang smuggled na asukal sa pamamagitan ng Sugar Regulatory Administration.

Tinukoy ng mambabatas ang pahayag ng ilang senador at economic managers sa kalituhan at fiscal nightmare sa panukalang Pederalismo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *