Pantawid ENDO

Pantawid ENDO, isinusulong ni Sen. Bam

National News

Isinusulong ni Senador Bam Aquino na bigyan ng pinansyal na tulong ang mga manggagawa na tinanggal sa trabaho dahil sa kontrakwalisasyon. (Pantawid ENDO)

Sa kanyang panukalang “Pantawid Endo” o Security of Tenure and End of Endo Act of 2018, nais ni Aquino na pagkalooban ng pinansyal na tulong sa loob ng tatlong buwan ang mga manggagawa ng mga sub-contractor habang naghihintay ng bagong kontrata.

Sinabi ni Aquino na makakatulong ang probisyong ito sa mga manggagawa.

Dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa inflation rate.

Kasabay nito, hiniling din ni Aquino sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang Bawas Presyo Bill.

Upang mapagaan ang pasanin ng pamilyang Pilipino na dulot ng mataas na presyo ng bilihin.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *