Philippine Team

Philippine Team, kampeon sa Little League Senior Softball World Series

National News

Cherry Light

Dumating na sa bansa ang Philippine Team na nagkampeonsa kauna-unahang pagkakataon sa Little League Senior Softball World Series na ginanap sa Delaware, USA.

Ang grupo mula Tanauan City na lulan ng Philippine Airlines ay dumating dala ang karangalan sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News, aminado si head coach Ramil Mercado na halos limang taon niyang pinaghandaan ang laban na ito para makamit ang tagumpay.

Matatandaan nasungkit ng Pilipinas ang 7-0 para makuha Senior League Softball World Series title sa Lower Sussex.

Ito  ang kauna-unahang pagkakampeon ng Pilipinas sa Senior’s bracket sa 44 na taong kasaysayan ng world series.

Nagtala ng 4 na panalo -1-talo  ang Pilipinas sa elimination round para makapasok sa semifinals.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *